De Aller-Bedste Bøger - over 12 mio. danske og engelske bøger
Levering: 1 - 2 hverdage

Ang Sukat ng Pananampalataya

- The Measure of Faith (Tagalog)

Bag om Ang Sukat ng Pananampalataya

Hinahangad kong kayong lahat sana'y magkamit ng buong sukat ng espiritu at tamasahin ninyo ang panlangit at walang-hanggang kaluwalhatian sa Bagong Jerusalem kung saan naroroon ang trono ng Diyos! Kasama ang Ang Mensahe ng Krus, ang Ang Sukat ng Pananampalataya ang pinakapundamental at pinakamahalagang gabay na aklat sa epektibong pamumuhay bilang isang Cristiano. Ibinibigay ko ang lahat ng pasasalamat at papuri sa Diyos Ama na nagkaloob ng biyayang mailathala ang mahalagang aklat na ito at maipahayag ang tungkol sa espiritwal na rehiyon sa di-mabilang na mga tao. Sa panahong ito, napakaraming tao ang nagsasabing sila ay naniniwala, ngunit wala silang katiyakan tungkol sa kanilang kaligtasan. Wala silang alam tungkol sa pagsukat ng pananampalataya at kung gaano kalaking pananampalataya ang kailangan nila para maligtas. Sinasabi nila sa isa't isa, "Malaki ang pananampalataya ng taong ito" o "Ang taong iyon ay maliit ang pananampalataya." Ngunit hindi madaling malaman kung gaanong kalaking pananampalataya mo ang tinatanggap ng Diyos. Hindi rin madaling sukatin kung gaano kalaki ang pananampalataya mo o kung gaano na ang inilaki nito. Nais ng Diyos na magkaroon tayo hindi ng pananampalatayang makalaman, kundi pananampalatayang espiritwal na may mga kasamang gawa. Masasabi na ang pananampalataya ng isang tao ay makalaman kung nakikinig lamang sila at nag-aaral ng Salita ng Diyos, at ikinakabisa at iniipon ito bilang kaalaman lamang. Hindi tayo magkakaroon ng pananampalatayang espiritwal sa sarili nating pagsisikap. Ito ay ipinagkakaloob lamang sa atin ng Diyos. Kaya naman, sinasabihan tayo sa Roma 12:3, "Dahil sa biyayang tinanggap ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob sa inyo ng Diyos" (Ang Salita ng Diyos para sa Pilipino). Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang bawat isa ay may sariling pananampalatayang espiritwal na ipinagkaloob ng Diyos, at ang mga sagot at pagpapala Niya sa mga tao ay iba-iba ayon sa sukat ng pananampalataya nila. Inilalarawan sa 1 Juan 2:12 at sa kasunod na mga talata na ang paglago ng pananampalataya ng bawat tao ay nag-uumpisa bilang pananampalataya ng mga sanggol o ng mga batang pahakbang-hakbang pa lamang lumakad, hanggang umunlad sa pananampalataya ng mga maliliit na bata, hanggang lumago sa pananampalataya ng mga kabataan tungo sa pananampalataya ng mga ama. Mababasa sa 1 Corinto 15:41, "Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may iba't ibang ningning" (Ang Salita ng Dios). Pinaaalalahan tayo ng talatang ito na iba-iba ang magiging tahanan ng mga tao sa Langit at ang kanilang kaningningan doon ayon sa sukat ng kanilang pananampalataya. Mahalaga siyempreng magtamo tayo ng kaligtasan at makarating sa Langit, ngunit ang malaman kung anong magiging tirahan natin sa Langit, at anong uri ng korona at mga gantimpala ang tatanggapin natin ay higit na mahalaga. Ninanais ng Diyos ng pag-ibig na marating ng mga anak Niya ang ganap na sukat ng pananampalataya, at gustong-gusto Niyang makapasok sila sa Bagong Jerusalem kung saan naroon ang trono ng Diyos. Pinananabikan Niyang makasama sila roon nang magpawalang-hanggan.

Vis mere
  • Sprog:
  • Ukendt
  • ISBN:
  • 9791126300884
  • Indbinding:
  • Paperback
  • Sideantal:
  • 330
  • Udgivet:
  • 1. maj 2018
  • Størrelse:
  • 210x140x19 mm.
  • Vægt:
  • 408 g.
  • 8-11 hverdage.
  • 9. december 2024

Normalpris

Abonnementspris

- Rabat på køb af fysiske bøger
- 1 valgfrit digitalt ugeblad
- 20 timers lytning og læsning
- Adgang til 70.000+ titler
- Ingen binding

Abonnementet koster 75 kr./md.
Ingen binding og kan opsiges når som helst.

Beskrivelse af Ang Sukat ng Pananampalataya

Hinahangad kong kayong lahat sana'y magkamit ng buong sukat ng espiritu at tamasahin ninyo ang panlangit at walang-hanggang kaluwalhatian sa Bagong Jerusalem kung saan naroroon ang trono ng Diyos!

Kasama ang Ang Mensahe ng Krus, ang Ang Sukat ng Pananampalataya ang pinakapundamental at pinakamahalagang gabay na aklat sa epektibong pamumuhay bilang isang Cristiano. Ibinibigay ko ang lahat ng pasasalamat at papuri sa Diyos Ama na nagkaloob ng biyayang mailathala ang mahalagang aklat na ito at maipahayag ang tungkol sa espiritwal na rehiyon sa di-mabilang na mga tao.

Sa panahong ito, napakaraming tao ang nagsasabing sila ay naniniwala, ngunit wala silang katiyakan tungkol sa kanilang kaligtasan. Wala silang alam tungkol sa pagsukat ng pananampalataya at kung gaano kalaking pananampalataya ang kailangan nila para maligtas. Sinasabi nila sa isa't isa, "Malaki ang pananampalataya ng taong ito" o "Ang taong iyon ay maliit ang pananampalataya." Ngunit hindi madaling malaman kung gaanong kalaking pananampalataya mo ang tinatanggap ng Diyos. Hindi rin madaling sukatin kung gaano kalaki ang pananampalataya mo o kung gaano na ang inilaki nito. Nais ng Diyos na magkaroon tayo hindi ng pananampalatayang makalaman, kundi pananampalatayang espiritwal na may mga kasamang gawa. Masasabi na ang pananampalataya ng isang tao ay makalaman kung nakikinig lamang sila at nag-aaral ng Salita ng Diyos, at ikinakabisa at iniipon ito bilang kaalaman lamang. Hindi tayo magkakaroon ng pananampalatayang espiritwal sa sarili nating pagsisikap. Ito ay ipinagkakaloob lamang sa atin ng Diyos.
Kaya naman, sinasabihan tayo sa Roma 12:3, "Dahil sa biyayang tinanggap ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, tingnan ninyong mabuti ang inyong sarili ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob sa inyo ng Diyos" (Ang Salita ng Diyos para sa Pilipino). Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang bawat isa ay may sariling pananampalatayang espiritwal na ipinagkaloob ng Diyos, at ang mga sagot at pagpapala Niya sa mga tao ay iba-iba ayon sa sukat ng pananampalataya nila.
Inilalarawan sa 1 Juan 2:12 at sa kasunod na mga talata na ang paglago ng pananampalataya ng bawat tao ay nag-uumpisa bilang pananampalataya ng mga sanggol o ng mga batang pahakbang-hakbang pa lamang lumakad, hanggang umunlad sa pananampalataya ng mga maliliit na bata, hanggang lumago sa pananampalataya ng mga kabataan tungo sa pananampalataya ng mga ama. Mababasa sa 1 Corinto 15:41, "Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may iba't ibang ningning" (Ang Salita ng Dios). Pinaaalalahan tayo ng talatang ito na iba-iba ang magiging tahanan ng mga tao sa Langit at ang kanilang kaningningan doon ayon sa sukat ng kanilang pananampalataya. Mahalaga siyempreng magtamo tayo ng kaligtasan at makarating sa Langit, ngunit ang malaman kung anong magiging tirahan natin sa Langit, at anong uri ng korona at mga gantimpala ang tatanggapin natin ay higit na mahalaga.
Ninanais ng Diyos ng pag-ibig na marating ng mga anak Niya ang ganap na sukat ng pananampalataya, at gustong-gusto Niyang makapasok sila sa Bagong Jerusalem kung saan naroon ang trono ng Diyos. Pinananabikan Niyang makasama sila roon nang magpawalang-hanggan.

Brugerbedømmelser af Ang Sukat ng Pananampalataya



Find lignende bøger
Bogen Ang Sukat ng Pananampalataya findes i følgende kategorier: